Nagugulumihanan ngayon ang mga netizens kung bakit naka-unfollow sa Instagram ni Kiko Estrada ang kaniyang girlfriend na si Heaven Peralejo. Tanong nila: nagkakalabuan na ba sila?

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens na hindi na naka-unfollow si Heaven kay Kiko; bukod dito, binura pa ni Kiko ang dalawang posts niya tungkol sa kanilang dalawa ni Heaven nitong Miyerkules, September 1. Tila nag-alis ito ng mga fina-follow niya.

Screenshot mula sa IG/Kiko Estrada

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Nang i-check naman ang IG ni Heaven, naka-follow pa rin siya kay Kiko at naroon pa rin naman ang kanilang mga sweet photos.

Nitong August 31 ay nag-post pa si Kiko ng kaniyang sweet greeting para sa kaniyang gf, dahil ipinagdiwang nila ang kanilang 3rd monthsary. Nagkapalitan pa sila ng matatamis na mensahe.

JOWA REVEAL! Kiko Estrada shares sweet photos with girlfriend Heaven  Peralejo – Manila Bulletin
Kiko Estrada at Heaven Peralejo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

May 30 nang ihayag nina Kiko at Heaven na sila na nga, matapos ang dalawang taong relasyon ni Kiko ya Devon Seron.

Bago pa umamin si Kiko sa totoong estado ng relasyon nila n Heaven na nakasama niya sa teleseryeng 'Bagong Umaga' ng Kapamilya Network, namataan na silang magkasama sa Boracay noong Hunyo kaya lalong umugong ang espekulasyong may relasyon na silang dalawa. Inakusahan pa si Heaven na siyang third party kung bakit naghiwalay sina Kiko at Devon, bagay na pinabulaanan naman ng dalawa.

Kayo tanong ngayon ng marami, anyare??!