Kasado na ang plano ni Kapuso Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas na mag-migrate na sa Amerika at doon na manirahan, kasama ang mister na si Gerald Sibayan.

Green card holder na si Ai Ai kaya pinetisyon na niya ang asawa upang magkasama na silang manirahan doon. Nasa US na rin kasi ang mga anak ng komedyana kaya mabubuo na ang kanilang pamilya.

Ai Ai delas Alas shares Jaclyn Jose's controversial 'hindi basura' post – Manila  Bulletin
Ai Ai Delas Alas (Larawan mula sa Manila Bulletin

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Paglilinaw niya, kahit na nasa ibang bansa na siya, hindi pa rin niya iiwan ang showbiz. Sa katunayan, magiging bahagi pa rin siya ng 'The Clash' Season 4 bilang isa sa mga hurado.

Patuloy pa rin naman daw siyang magbibigay-aliw sa mga Pilipino sa US, lalo na't medyo maluwag na ang quarantine protocols doon. Isa pa, may GMA Pinoy TV naman sa US.