Sabi nga sa kasabihan, may mga tao talagang 'small but terrible.' Isa na nga rito ang sumakabilang-buhay na komedyanteng si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay. Bukod sa kaniyang nakatutuwang aura, naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Mahal.

Isa na yata sa mga pinakakontrobersyal at pinag-usapan ay ang pakikipagrelasyon niya sa singer na si Jimboy Salazar, na unang nakilala sa 'That's Entertainment.' Marami sa mga tao ang hindi makapaniwala sa kanilang relasyon, at ipinupukol kay Jimboy ang isyu ng 'panggagamit' kay Mahal. Noong 2010, umamin si Jimboy na isa siyang bisexual. Noong 2015 naman, sumakabilang-buhay ang singer dahil sa sakit na pneumonia.

Jimboy Salazar (Screenshot mula sa YT)

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sumunod dito ay ang dating aktor na si Aries Navarro, subalit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Pinaratangan pa niya si Mahal na niloloko lamang siya, dahil may iba umano itong kausap sa cellphone, na nagngangalang Jobbie Hebrio. Ayon naman kay Mahal, nakipaghiwalay siya kay Aries dahil hindi niya alam kung minahal ba talaga siya nito, o ginagamit lamang siya. Aniya, masaya siya sa piling ni Jobbie.

Aries Navarro at Mahal (Larawan mula sa Twitter)

Noong Nobyembre 2, 2015, ikinasal na nga sila ni Jobbie Hebrio, isang Bicolano at dating butcher at merchandiser sa isang supermarket.

Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Quezon City Hall na sinaksihan ni Quezon City First District Councilor Victor Ferrer at ng malalapit na kaibigan ni Mahal, gaya ng singer na si Mae Rivera at ang sexy star-singer na si Kissa Kurdi.

Subalit nakalulungkot mang isipin, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Mahal, ayaw na niyang pag-usapan ang detalye ng kanilang paghihiwalay. Ni ayaw na nga niyang banggitin umano ang pangalan nito.

Aniya, simula nang maghiwalay sila ay marami umanong lalaking nakikipag-chat sa kaniya, subalit ayaw niyang pansinin dahil abala umano siya sa pagti-TikTok.

Jobbie Hebrio at Mahal (Larawan mula sa Twitter)

At ang pinakalatest at talaga namang pinag-usapan, ang 'espesyal na pagkakaibigan' nila ng modelo, indie actor, vlogger, at negosyanteng si Mygz Molino na kasama niyang naninirahan sa iisang bubong sa Marikina City. Mariin nilang itinatanggi na may romantic relationship na namamagitan sa kanilang dalawa, kahit na sweet na sweet sila sa mga vlogs at social media platforms ni Mygz.

Napansin din ng mga staff at crew ng teleseryeng 'Owe My Love' ng GMA Network ang kanilang kakaibang gestures sa isa't isa, sa panahon ng lock-in taping. Magkasama pa sila nang dalawin nila at tulungan ang dating katambal ni Mahal na si Mura. Dito ay sinabi ni Mahal na kung mawawala man siya sa mundo, may kaunting tulong pa siyang maibibigay kay Mura. Sumakabilang-buhay na si Mahal subalit hindi pa rin malinaw ang tunay na real score sa pagitan nila ni Mygz.

Ang iba pang mga lalaking naiugnay kay Mahal ay ang widower na si Jimmy Navarro, Sam Jacinto, at ang dating asawa ni Ai Ai Delas Alas na si Jed Salang.