Sa biglaang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal, marami ngayon ang 'concern' para sa kaniyang matalik na kaibigang si 'Mygz Molino' na kasa-kasama niya sa kaniyang mga vlogs at bahay.

Pero sino nga ba si Mygz Molino sa buhay ni Noemi Tesorero o Mahal? Ano ang real score sa kanilang dalawa?

Maraming nagsasabing masuwerte si Mahal dahil sa kabila ng kontrobersyal niyang buhay pag-ibig, ay may isang Mygz sa kaniyang buhay. Si Mygz ay isang modelo, indie actor, at vlogger. Bukod dito, isa rin siyang negosyante. May kinalaman sa mga pabango ang kaniyang negosyo.

Bilang isang indie actor, ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay ang 'Hawla (2012),' 'Mestizo: A Beautiful Boy (2012),' at 'Id’Nal (Mapusok) (2012).'

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kapansin-pansin na guwapo at matipuno ang pangangatawan ni Mygz. Kaya naman, marami ang kinikilig sa tuwing nagpapakita siya ng sweetness kay Mahal.

Larawan mula sa FB/Mygz Molino

Larawan mula sa FB/Mygz Molino

Paano nga ba nagsimula ang kanilang espesyal na pagkakaibigan?

Sinasabing noong 2010, unang nagkakilala sina Mygz at Mahal sa isang show sa lalawigan ng Abra. Nagkatrabaho rin sila sa pelikulang ‘Id’Nal’ noong 2012.

Noong 2014, naintriga ang mga netizens nang i-post nila sa Instagram ang kanilang larawan habang magkasama. Kasama nila ang dating Kapamilya actor na si Carlos Agassi sa out-of-town show. Inakala nang marami na jowa ni Mahal si Mygz.

Subalit ikinasal si Mahal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Jobbie Hebrio noong November 2, 2015, subalit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at naghiwalay rin. Naging dahilan ito upang maipagpatuloy nina Mygz at Mahal ang kanilang espesyal na pagkakaibigan. Noong 2018, nasilayan muli ng publiko ang kanilang larawan na magkasama sa isang Christmas Party. Noong 2018, muling nasilayan ng publiko ang kanilang larawan na magkasama sa isang Christmas Party.

Noong July 2020, nagdesisyon si Mygz na magsama na silang manirahan ni Mahal sa iisang bubong, sa bahay nito sa Marikina City.

Paglilinaw ni Mygz, wala umanong malisya sa pagkakaibigan nila ni Mahal. Pamilya umano ang tingin niya rito. Kapakanan umano nito ang kaniyang iniisip Subalit aniya, hindi naman umano imposibleng mahalin ang isang kagaya ni Mahal. 'Kamahal-mahal daw si Mahal.'

Magkasama rin sila sa lock-in taping ng huling seryeng kinabilangan ni Mahal, ang 'Owe My Love' sa GMA Kapuso Network. Marami ang nakapansin ng sweet na pagtrato ni Mygz para kay Mahal. Kapag wala silang ginagawa, nagsasama sila sa pagbuo ng vlogs para sa kanilang YouTube channel.

Screenshot mula sa YT/Mygz Molino

Screenshot mula sa YT/Mygz Molino

Screenshot mula sa YT/Mygz Molino

Sa huling vlog ni Mahal kung saan dinalaw niya at nagpaabot siya ng tulong para sa dating katambal na si Mura, kasama niya si Mygz Molino.

Kapag sinilip ang mga social media platforms ni Mygz, puro videos at larawan nila ni Mahal ang makikita. Kaya naman sa biglaang paglisan ni Mahal sa mundo nitong August 31, tanong ng marami, kumusta si Mygz? Paano niya hinaharap at tinatanggap ang lahat? Wala pa kasi siyang mensahe o updates man lamang sa kaniyang mga social media platforms.

Mygz Molino at Mahal (Larawan mula sa TikTok)

Larawan mula sa Ig/Miygz Molino

Mygz Molino at Mahal (Larawan mula sa IG)

Mygz Molino at Mahal (Larawan mula sa IG)

Subalit may ilang mga netizens ang nagsabing hirap na hirap daw tanggapin ni Mygz ang katotohanang wala na ang kaniyang espesyal na kaibigang si Mahal, batay sa mga lumalabas na mga TikTok videos.