Sa gitna ng mga ulat na bumaba ang immunity na naibibigay ng mga bakuna, wala pa ring malinaw na rekomendasyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) ukol sa booster shots ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa Pilipinas.

Sa ginanap na Laging Handa Briefing nitong Miyerkules, Setyembre 1, 2021, nagbabantay na rin daw ang All Experts’ Group sa mga sitwasyon sa ilang parte sa mundo, VEP Head Dr. Nina Gloriani,

Dagdag ng grupo, nakitaan sa ilang datos ng pagbaba ng immunity ayon sa mga pag-aaral sa ibang bansa.

“While we are working very closely on it, as of now, there is no very clear recommendation on what needs to be assessed or to be given the booster to,”sabi ni Gloriani.

Internasyonal

Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'

Pinunto ni Gloriani na maraming bagay ang dapat ikonsidera pagdating sa mga nasabing ulat, Dagdag nito, kailangan pang hintayin ang ilang pagsusuri bago bigyan ng booster shots ang ilang sector.

“Number one is epidemiology of the breakthrough cases, whether it is coming from healthcare workers or from other citizens,” she said. “Then, we also look at the disease severity,” paliwanag ng eksperto.

“Bihirang-bihira ‘yung rate ng nagkaroon ng severe form or even hospitalization,” dagdag niya.

Kapag aparubado na ang booster shots sa bansa, dapat umanong isaalang-alang ang sector na nasa “highest risk” na matutukoy sa pamamagitan ng “subgroup analysis”, pagbibigay-linaw ni Gloriani.

Samantala, nakahanda rin ang VEP na maglabas ng guidelines sa pamamahagi ng booster shots sa mapipiling sector.

“We hope soon because we are already on the sixth month since we started vaccination,”dagdag niya.

Nilinaw naman ng eksperto na “equally effective” pa rin ang lahat ng COVID-19 brands laban sa severe COVID-19 infections.

Merlina Hernando-Malipot