Mukhang naka-move on na ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Batay kasi sa latest interview sa kaniya sa newscast na '24 Oras' ni Lhar Santiago, marami ang nakapansing nakangiti at blooming na muli ang aktres, na sumikat sa remake ng 'Encantadia' bilang si Sanggre Amihan. Subalit dahil sa kaniyang pagbubuntis sa kanilang anak na si Aljur, tinanggal ang kaniyang karakter at natapos ang telefantasya na wala siya.

Talagang masaya na umano siya at nakapag-adjust na rin sa nilipatan niyang bagong bahay kasama ang anak.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” pahayag ng aktres.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

ARE YOU NUTS? Kylie Padilla laughs off 'crazy' fan allegation – Manila  Bulletin
Kylie Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Aljur Abrenica breaks silence on rumored split with wife Kylie Padilla –  Manila Bulletin
Aljur Abrenica (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Masaya umano siya sa ginagawa niyang pelikulang 'BetCin,' ang pinakabagong proyekto niya ngayon para sa Rein Entertainment, na ibinahagi pa niya sa kaniyang Instagram account noong July 19.

"“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga. I’m at peace now," pahayag niya.

Noong Hulyo, kinumpirma ni Kylie ang paghihiwalay nila ni Aljur. Aniya, co-parenting pa rin naman ang ginagawa nila sa kanilang anak na sina Alas at Axl. Kinumpirma rin mismo ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang dalawa, at third party umano ang dahilan.

Ikinasal silang dalawa noong Disyembre 2018.