Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang pag-amin ng Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes na nasasaktan umano siya sa tuwing may bagito o baguhang artista na sumisikat agad-agad.

Napanood ng mga netizens ang clip mula sa interview ni Andrea sa kaniyang katambal na si Seth Fedelin, na naging housemate naman sa 'Pinoy Big Brother: Otso' noong 2018.

Nasasaktan umano siya noon kapag may bagong artista na nauungusan kaagad siya sa pagsikat at pagtanggap ng mga proyekto, gayong kung tutuusin ay mas nauna siya sa industriya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

OMG! Andrea Brillantes tells mom she's pregnant – Manila Bulletin
Andrea Brillantes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

“Ang tagal ko na kasi di ba? Sobrang sakit sa ‘kin na ‘pag may mga bagong dumadating, sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag,” pag-amin ni Andrea. Inihalintulad pa niya ang sarili sa isang babasaging plato.

“Ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon. Tapos itong bagong 'to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba. Anong kulang sa akin, ano pa bang dapat kong gawin,” matapang na dagdag pa niya.

Masaya naman umano siya kapag may baguhang artistang sumisikat at nagkakaroon kaagad ng proyekto, subalit hindi lamang niya maiwasang hindi masaktan o masaling ang damdamin.

Pitong taong gulang pa lamang ay sumabak na siya sa masalimuot na mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng children gag show na “Goin’ Bulilit” noong 2010, at noong 2013 ay bumida na siya sa remake ng 'Annaliza' kung saan napansin na ang husay niya sa pag-arte.

Nitong 2018 ay tuluyan na ngang umalagwa ang showbiz career ni Andrea matapos ang markadong pagganap bilang 'Marga Mondragon Bartolome sa patok na teleseryeng 'Kadenang Ginto' kasama sina Beauty Gonzales, Dimples Romana, at iba pang kasapi ng 'Gold Squad' gaya nina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Andrea Brillantes explains side over Kyle Echarri's vlog 'walk-out' – Manila  Bulletin
Kyle Echarri, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Andrea Brillantes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tumaas din ang followers niya sa Twitter, Instagram, at TikTok. Sa katunayan, isa siya sa mga nakatanggap ng parangal bilang “Top Celebrity Award” sa nakaraang TikTok Awards Philippines.

Masasabing isa ngayon si Andrea sa mga 'sought-after' na artistang tinedyer na talaga namang may kalulugaran ang stardom at angking talento sa pag-arte at pagsayaw, sa Kapamilya Network.