Hindi pa man nagsisimula ang bakbakan ng Miss Universe Philippines, nauna nang inamin ng kandidata ng Cebu City, at ngayon ay Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez na proud member siya ng LGBTQIA+ community, at may girlfriend siya na nagngangalang Kate Jagdon, sa naganap noon na Miss Universe Philippines 2021 Interview Challenge, na umere nang live sa Empire Philippines' YouTube channel.

Ayon kay Beatrice, anim na taon na ang relasyon nila ni Kate. Habang pandemya, tiniyak niyang aktibo ang kaniyang lifestyle kasama ang gf. May adopted cat sila na ang pangalan naman ay "Twix."

Beatrice Gomez and Kate Jagdon (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Beatrice Gomez and Kate Jagdon (Larawan mula sa IG)

“I love sports and my favorite game is volleyball and when I have free time, I go to the beach. I go scuba diving and when I want to spice up my workouts, I do a few round of boxing,” kuwento niya.

“I do most of these things with my girlfriend Kate. We’ve been together for six years, going seven in a few months,” dagdag pa niya.

Hindi umano nila ikinahihiya ang kanilang relasyon; sa katunayan, isinasapubliko nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts. Nagkakilala umano ang dalawa noong 2015.

Beatrice Gomez and Kate Jagdon (Larawan mula sa IG)

Si Bea ay nasa 6th spot sa Miss Universe Philippines’ Top 7 para sa Interview Challenge. Siya rin ang winner para sa Introduction Challenge, at nitong Setyembre 30, siya ang nag-uwi ng korona bilang pinakabagong Miss Universe Philippines.