Halatang kinilig ang sikat na YouTuber at Kapamilya actress na si Ivana Alawi nang hindi inaasahang makatanggap ng video greeting mula sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na pagbubuking ng kaniyang kapatid na si Mona Alawi, ay crush niya.

"Crush niya po 'yan (Joshua Garcia), pagbubuking ni Mona sa latest vlog ni Ivana.

"Sandali lang, 'di pa ako ready… I follow you! You follow my heart!," sagot ni Ivana sa aktor. "Nakakahiya, minessage mo si Joshua Garcia? Sinabi mo na crush ko siya?" giit pa ni Ivana sa kapatid. Napasigaw na lamang sa sa gulat at kilig si Ivana nang mapanood ang video greeting sa kaniya ni Joshua. Ipinagdiriwang niya kasi ang 2nd anniversary bilang YouTuber.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ivana Alawi (Screenshot mula sa YT)

Sa latest vlog ni Ivana, makikitang sinorpresa ng kaniyang pamilya si Ivana. Nagkaroon sila ng simpleng celebration sa kanilang bahay. Isa-isang nagbigay ng kanilang video message ang ilang malalapit na kaibigan ni Ivana sa personal na buhay at maging sa showbiz.

Ilan sa mga ito ay ang kaibigang si Kim at Mark, Mae at KC na kaniyang personal assistant at helper, model na si Daiana Menezes, singer-songwriter na si Moira Dela Torre, YouTuber na si Mimiyuuuh, Dra. Vicki Belo, talent manager niyang si Perry Lansigan, mga tagahangang kasapi ng kaniyang fans club na "Ivanatics" at "Ivana's Warriors," editor at videographer na sina Rikki at Jeff, aktor na si Marco Gumabao, aktres at YouTuber na si Donnalyn Bartolome, Bela Padilla, at fashion stylist niyang si Adrianne.

Kapansin-pansin naman ang pagkabigla at pagkakilig ni Ivana nang marinig ang video greetings nina Kapamilya actress na si Liza Soberano, ang kaniyang crush na si Joshua Garcia.

Si Ivana ay isa sa mga matagumpay na celebrity na YouTuber sa Pilipinas. Siya ay may 13.9M subscribers.