Naging multi-milyonaryo ang isang Cebuano nang mapanalunan ang tumataginting na P120 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 07-13-05-25-28-03 kaya’t naiuwi niya ang katumbas nitong premyo na P120,063,346.80. 

Nabatid na nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Mandaue City, Cebu.

Upang makubra ang kanyang premyo, sinabi ni Garma na kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO at magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang lucky ticket.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Samantala, mayroon rin namang 81 bettors ang nagwagi ng second prize at nakapag-uwi ng tig-P100,000 matapos na makahula ng limang tamang numero.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ni Garma ang publiko na tangkilikin ang PCSO games upang makatulong sa paglikom ng pondo ng pamahalaan na ginagamit sa kawanggawa para sa mga nangangailangang mamamayan. 

Mary Ann Santiago