Isa sa mga kinagigiliwang miyembro ng grupong Hashtag sa noontime show na 'It's Showtime' ng Kapamilya Network ay si Hashtag Nikko Natividad. Bukod sa may pagkakuwela at talaga namang guwapo at may dating, kinaaaliwan din ng mga netizens ang mga "naughty" post niya sa Instagram o Twitter.

Tila may pagka-green kasi ang ilan sa mga posts niya na bentang-benta naman sa mga tagahanga at tagasuporta niya. Sa pangalan pa lamang niya sa Instagram at Twitter na "NikkoDAKS" ay talaga naman mapamukaw-pansin na. Pero mas "mapangahas" ang kaniyang mga banat sa Twitter. Doon siya nagpapahayag ng kaniyang mga "kalat."

Nikko Natividad (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa mga Twitter posts niya na talaga namang kinaaliwan ay tungkol sa pagiging "daks" niya.

Sa Twitter post niya noong March 1, sinabi niyang 'daks' talaga siya. Aniya, "Daks po ako promise."

"Ano daw ang disadvantage ng pagiging DAKS? Good mood ka naman pero laging mukhang galit," saad niya sa Twitter post noong May 31.

"Anu daw ang advantage ng pagiging DAKS? Humihiga palang kayo, Nakangiti na siya," isa pang Twitter post niya noong May 31.

"Hirap ng daks!! Di pa 'ko bumabangon pero nakatayo na siya. Smiling face with open mouth and cold sweat. Good morning!" aniya naman sa Twitter post niya noong June 1.

May paalala rin siya sa pagpapabakuna sa kaniyang Twitter post noong June 16. Sabi niya, "Wag matakot magpabakuna. Hindi 'yan nakakaliit ng nota."

Sa isang TikTok video naman niya na sumasayaw siyang parang macho dancer na nakakonekta sa kaniyang Twitter nitong August 26, "Puro kayo away sa Twitter. Mag-ipit muna kayo tip sa akin."

Sa isang Instagram post naman, ipinakita niya na siya ay nasa Balicasag Island at Virgin Island sa Bohol. Aniya, "Touchdown. DAKOTA ISLAND BOHOL. Ang lalaki ng alon dito. Uuwi kayong nakangiti."

Isa pang IG post, "Andito na ang nag-iisang NIKKODAKS. Ang syang bibinyag sa Virgin island!"

"Sa sobrang DAKU ko muntik na ko ipa-barangay ng mga lokal dito. Akala nila nag-uwi ako ng pagong sa short ko," saad pa niya sa isang IG post.

At ang pinaka-latest Twitter post niya nitong August 27 na talaga namang ikinaloka ng mga bebot at beki, "Hindi pa rin siya vaccinated? Subo lang bawal halik with matching emoticon na face with cold sweat."

Screenshot mula sa Twitter/Nikko Natividad

Screenshot mula sa Twitter/Nikko Natividad

Screenshot mula sa Twitter/Nikko Natividad

Screenshot mula sa Twitter/Nikko Natividad

Screenshot mula sa Twitter/Nikko Natividad

Larawan mula sa IG/Nikko Natividad

Larawan mula sa IG/Nikko Natividad

Si Hashtag Nikko ay isinilang at lumaki sa Malolos, Bulacan. Nakilala siya at tuluyang pinasok ang showbiz matapos manalo sa 'Gandang Lalaki' segment ng 'It's Showtime' bago siya mapabilang sa Hashtag. Bago siya sumali rito, siya ay nagtatrabaho bilang isang waiter.

Noong July 2016 pumasok siya sa 7th season of 'Pinoy Big Brother' bilang 2-in-1 housemate ng isa pang Hashtag member at aktor na si McCoy de Leon. Inamin niya rito na may anak na siya sa kaniyang non-showbiz partner. Sila ni McCoy ang itinanghal na 6th Lucky Big Placer.

Napabilang siya sa hit teleseryeng 'Kadenang Ginto' at sa kasalukuyan ay kasama naman sa teleseryeng "Init sa Magdamag" na magtatapos na rin. Kasama rin siya sa cast ng 'GVBoys' na digital series na ipinalabas ng Puregold Channel, kasama sina Jerome Ponce at Dave Bornea.