Hindi napigilan ng mga netizens ang kanilang katuwaan nang makita ang throwback photos ng magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga noong sila ay mga bagets pa lamang.

Ibinahagi ni Alex ang kanilang throwback photos ng kaniyang Ate Toni sa kaniyang Instagram post.

"Mga batang musmos ni Pinty at Bonoy," caption ng post. Sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ang kanilang mga magulang, na kamakailan lamang ay naglunsad na rin ng kanilang sariling YouTube channel.

Makikita sa unang throwback photo na tila ngiting-ngiti si Toni habang si Alex naman ay pa-sweet ang ngiti; parang si Toni yata ang masayahin noong mga maliliit pa sila.

Sharon Cuneta, planong magsulat ng libro

Sa pangalawang throwback photo naman, maluwag pa rin ang pagkakangiti ni Toni habang si Alex naman ay nakanganga at parang may tinitingnan sa kaniyang gilid.

Larawan mula sa IG/Alex Gonzaga

Larawan mula sa IG/Alex Gonzaga

Isa sa mga celebrity friends ng dalawa na si Luis Manzano ang agad na nagbigay ng kaniyang komento hinggil sa mga naturang throwback photos.

"Cute ng kilay mo, parang nandoon lang na wala rin naman," pang-aalaska ni Luis kay Alex.

Hindi rin napigilan ni Toni na hindi magkomento sa kanilang mga throwback photos.

"Ang saya-saya natin niyan kahit wala naman hehe," ani Toni.

Sina Toni at Alex ay pareho nang may sariling pamilya subalit napanatili pa rin nila ang kanilang closeness sa isa't isa bilang magkapatid.