Binasag na ni Daisy Lopez o mas kilala bilang 'Madam Inutz' ang kaniyang katahimikan hinggil sa namumuong tensyon sa pagitan ng komedyanteng si Ethel Booba at bagong talent manager niyang si Wilbert Tolentino.

"Yung pagpunta nina Ate Ethel Booba at Donita Nose, biglaan 'yun, biglaan 'yun mga inutil, ang init ng pagtanggap ko sa kanila, dahil syempre na-overwhelm ako eh, alam mo 'yun, ako yung pinuntahan ng tao, nakikita mo lang sa TV… ngayon pinuntahan ka… binili nila yung mga damit ko, pero wala akong idea sa mga vlogging! Alam n'yo 'yan, wala akong idea sa mga vlogging, wala akong idea… binili nila yung damit ko, just to clear lang ah…" pahayag ni Madam Inutz sa TikTok.

Screenshot mula sa TikTok/Madam Inutz

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paglilinaw pa niya, "Lilinawin ko lang, yung binili nila sa akin is worth… tama si Sir Wilbert, is worth ₱21,400, and then sabi ko, ayoko na dapat pabayaran, ayoko nang pabayaran sa kanila dahil kumbaga, karangalan sa akin, karangalan sa aking puntahan ako ng isang artista, ng mga celebrity, kumbaga karangalan kay Inutz 'yun. So ayoko na talagang pabayaran pa sa kanila… pero si Donita at Ate Ethel is nagpumilit, nagkatawaran na lang… iyon ang totoo, nagkatawaran na lang, kaya binigyan nila ako ng ₱15,000. Malaking tulong na rin kay Inutz 'yun. Kumbaga, pambili na rin ng gamot at diaper ni Nanay."

Ipinagtanggol ni Madam Inutz ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino. Aniya, higit isang linggo pa lamang silang magkasama, marami nang nagawa para sa kaniya ang manager, at kung tutuusin, wala pa nga itong napapala sa kaniya. Hindi naman umano pinagbabawalan ang sinumang vloggers na nagnanais na maka-collab siya; pakiusap lamang niya na magpaalam muna nang maayos kay Wilbert o magbigay man lamang ng 'courtesy call.'

"Pero hindi ko alam na magiging isyu pala itong… alam n'yo 'yun, kasi mga inuts wala naman talaga akong alam that time, Diyos ko, kahit sino nga puwedeng pumunta sa akin eh, hindi rin nagbabawal si Sir Wilbert na makipag-collab ako kahit na sinong mga vlogger, pero kailangang dumaan sa kaniya, mag-courtesy call man lang, o… alam n'yo yun, mga inuts, alam naman ninyong nandito na tayo sa ano, nandito na tayo sa industriya so may ginagalang akong management, napakaganda ng pagkakahawak sa akin ni Sir Wilbert, at guess what, sa loob ng 8 days naming pagsasama ni Sir Wilbert, may naka-close deal kami na worth ₱5M para sa akin… milyon ang ginagastos sa akin ni Sir Wilbert, wala pa siyang napapakinabangan! Alam n'yo 'yun, kaya huwag n'yo siyang i-bash, napakabait ni Sir Wil, inaalagaan niya ako, hindi siya nagte-take advantage sa akin, siya pa nga ang sumasagot para sa akin," paliwanag ni Madam Inutz.

"Kaya sana itong live ko na ito is ito na yung final… oka, sana ito na yung final…" pakiusap ni Madam Inutz sa lahat.

Ang pagsasalita ni Madam Inutz ay kaugnay ng paglalabas ng saloobin ni Ethel Booba sa kaniyang Youtube Channel ang singer tungkol sa naurang isyu kay Wilbert at Madam Inutz. Kasama sa vlog ang partner ni Ethel na si Chef Jessie Salazar, Boobita, Boobsie Wonderland, Donita Nose at Super Tekla.

Nagsalita si Ethel upang linawin at ayusin ang mga bagay-bagay dahil naba-bash na siya ng mga netizens. Nagsimula ito sa video na naka-post sa TikTok ni Ethel na isang pasaring o patutsada para kay Wilbert Tolentino sa nangyaring insidente sa pagbisita nila sa house ng talent nitong si Madam Inutz.

Kuwento ni Ethel, nais lang daw nilang puntahan si Madam Inutz dahil gusto itong makita ng komedyanteng si Boobsie Wonderland na aminadong tagahanga ng trending na online seller. Gusto rin umano nilang matikman ang ginagawang siomai nito.

Screenshot mula sa YT/Ethel Booba

Screenshot mula sa YT/Ethel Booba

Paglilinaw nila, wala silang planong makipag-collab o mag-vlog. Nalungkot daw sila nang hindi sila pakiharapan ni Madam Inutz. Sa nangyaring insidenteng iyon, sumama umano ang loob ni Ethel. Matatandaang nagpunta na sila noon kasama si Donita Nose sa bahay nito. Napaiyak pa si Ethel habang nagsasalaysay siya.

“For me as Ethel Booba ang tagal ko na dito sa larangan na ito, parang pupunta ako as a tao, nagpakumbaba ako kasi binibida kita eh (Boobsie Wonderland). Kasi parang feeling ko friend ko na siya (Madam Inutz). Ako sobrang ano din ako na tao na parang bihira lang din ako makapagkampante ng tao na nakakahalubilo ko. Na-hurt ako in a way na napahiya ako sa 'yo eh (Boobsie Wonderland). Napahiya rin ako sa mga tao doon na nasarhan ako. Sinara yung pinto. Oh my God sabi ko," paliwanag ni Ethel.

Samantala, sa kaniyang FB live naman ay nagsalita na rin si Wilbert Tolentino. Pinagdiinan niya ang courtesy call o maayos na pagpapaalam sa kaniya bilang bagong talent manager ni Madam Inutz.

Saad pa ni Wilbert, kung itinuturing daw siyang kaibigan ni Ethel, sana raw ay hindi na sila gumawa ng TikTok video na naging isyu pa. Sobrang na-depress din umano siya, nasaktan at nalungkot dahil hindi raw nila naintindihan ang katayuan niya bilang isang manager ni Madam Inutz na ang hangad ay para sa career at sa nanay nito.

WilbertTolentino – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Taliwas umano sa sinabi ni Boobsie, wala umano siyang natanggap na text upang magpaalam, at dumiretso lang daw ang mga ito sa bahay ni Madam Inutz. Giit pa ni Wilbert, wala raw siyang sama ng loob kay Ethel. Aniya, kailangan umanong ibukod ang pagkakaibigan sa trabaho. Nanawagan din siya sa mga bashers na tigilan na si Ethel.