Engaged na ang dating aktres na si Juliana Palermo sa kaniyang American boyfriend na si Joel Cabtree.

Makikita ang anunsyo ni Juliana sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Agosto 29, kalakip ang ilan sa mga kuhang larawan nila ni Joel, habang ipinakikita ang kanilang engagement ring.

"Nasagot na rin lahat ng bakit… I love you, Daddy," saad ni Juliana sa kaniyang caption.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Ilan sa mga celebrities na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Bianca Manalo, Phoemela Baranda, Jackie Forster, at Mark Bumgarner.

Sina Juliana at Joel ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Jack Alexander. Samantala, 10 taong gulang na ang anak ni Juliana na si Ace Christian, na anak nila ng kaniyang ex-boyfriend.

Juliana Palermo o Alvi July Juanico ay isinilang noong Hulyo 12, 1985 sa Davao City. Unang nakilala si Juliana bilang sexy actress noong 2003, at kilala rin siya bilang modelo at 'sex guru' sa FHM magazine. Nagwagi siya ng parangal na 'Breakthrough Performance by an Actress award' sa 2004 Golden Screen Awards, para sa pelikulang "www.XXX.com" ng direktor na si Tikoy Aguiluz.

Ilan sa mga pelikulang napabilang siya bilang isa sa mga cast members ay ang “Panaghoy Sa Suba” (2004), “Kaleldo” (2006), “Faces of Love” (2007), “Agent X44” (2007), “Kasal, Kasali, Kasalo” (2006), at ang sequel nitong “Sakal, Sakali, Saklolo” (2007). Noong 2011, isinilang niya ang kaniyang panganay sa kaniyang ex-boyfriend.

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Madalas naman siyang napapasama sa mga shows ng Kapamilya Network gaya ng s “OK Fine Whatever,” “The Adventures of Pedro Penduko,” “Wansapanataym” at appearance sa “Maalaala Mo Kaya."