Sa Facebook post ni Rhona Pineda Nilo, nakalagay dito ang detalye ng binebentang bahay na sinasabing pagmamay-ari ng Jamill.

Larawan: screenshot mula sa Facebook post ni Rhona Pineda Nilo

“FOR SALE! 2 storey house with swimming pool, kasama lahat ng gamit sa bahay (except personal items),” caption ng post ni Nilo.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“SHARE this post and get 100,000 pesos (commission) when your referral is set as sold transaction (hindi po kayo makikipag usap, basta refer nyo lang po ako na bahala makipag transact) direct owner/seller here.. ez 100k sayo.”

Dagdag pa ni Nilo, hindi nila sasagutin ang mga personal na katanungan o mga chismis.

Ang lote ng bahay ay may laking 450 sqm. Mayroong dalawang palapag at malaking swimming pool.

Bukod sa bahay, binebenta na rin ang sasakyan na pinaniniwalaan rin na pagmamay-ari ng dalawa.

"FOR SALE. JEEP WRANGLER 2019. v6 gas 26k mileage. pm for more info."

Taong 2019 nang bumili ang Jamill ng sasakyang kapareha sa binebentang sasakyan.

Larawan: Jamill/IG

Samantala, wala namang post ang Facebook posts ang mga accounts ng magkasintahan.

Matatandaang kamakailan lamang, ginulat nila ang netizens matapos ibalita na binura na nila ang kanilang official YouTube channel.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” pagkukumpirma ni Camille.

Stephanie Bernardino