Diretsahang pinatutsadahan ni KaladKaren Davila ang mga "pakialamerang" bashers na namumuna sa kaniyang pagsha-shopping, kahit na may pandemya pa rin sa buong mundo.

Si KaladKaren Davila o Jervi Li sa tunay na buhay, ay sumikat dahil sa kaniyang panggagaya kay Kapamilya news anchor Karen Davila. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang screenshot ng kaniyang My Story sa Instagram, bilang sagot sa mga bashers na nangunguwestyon sa kaniya, at maging sa ibang celebrities, na nagpo-post ng kanilang pamimili o pagsha-shopping sa social media accounts nila.

"Nakakatawa yung mga nagme-message na 'Bakit po kayo nagsha-shopping, eh pandemic? Teh, pag hindi ba ako nag-shopping, matatapos ba ang COVID-19 pandemic? I am spending my hard-earned money… and I have helped a lot of people during this pandemic," saad ni KaladKaren.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 1 person, standing and text that says 'NAKAKATAWA YUNG MGA NAG- MEMESSAGE NA...
Larawan mula sa FB/KaladKaren Davila

Si KaladKaren ay nasa London ngayon kasama ang kaniyang British boyfriend na si Luke Wrightson.