May sweet birthday message si Megastar Sharon Cuneta para sa kaniyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan na nagdiwang ng kaniyang 58th birthday.

Sa Instagram post ni Mega, tinawag niyang 'Neybor' si Kiko, at ibinuking pa niya na nagsimula umano silang mag-date noong ito ay 30 anyos pa lamang.

"Happy Birthday again, Neybor! 58 years old na?!!! We met and started dating when you were 30! OMG. Time por a change na yata. Hahaha joke only!!! Looking forward to growing old (but not looking old cos I’m a vampire! Kahit bumili nako sa science ng pampahaba ng pagka-vampire ko hahaha!) with you, sungit! I love you even if we're best frenemies! Hahaha! With all my wawa heart," saad sa caption ni Shawie para kay KIko.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Kasama ng post na ito ang larawan nila ni Kiko habang sila ay nagki-kiss. Nasa likod naman ang mga anak na sina Kakie at Miel Pangilinan.