Kaswal na sinagot ng aktres na si Nadine Lustre ang mga netizens hinggil sa viral photo niya na namataan siyang bumibili ng isang sarsang sawsawan, sa isang sari-sari store sa Siargao.
"Para 'di na kayo mag-isip… lechon manok yung ulam," saad ni Nadine sa kaniyang Twitter post.

May isang netizen kasi na nagulat nang makita si Nadine na bumibili ng sarsang sawsawan. Agad niyang kinuhanan ng larawan ang aktres, na walang make-up sa mukha at talaga namang napakasimple.
Usap-usapang kasama ni Nadine sa Siargao ang kaniyang bagong boyfriend umano na isang French businessman, na nagngangalang "Christopher Bariou."
Basahin: