Naispatan ng netizens ang aktres na si Nadine Lustre kasama ang kaniyang bagong French boyfriend na si Christopher Bariou sa Siargao.

Marami ang nakapansin na tila enjoy si Nadine sa kaniyang simpleng pamumuhay sa Siargao. Sa katunayan, isang netizen pa ang nakakita sa kaniya habang bumibili ng isang uri ng sawsawan, habang walang kamake-up make-up sa mukha.

Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

May be an image of 2 people, people sitting and people standing
Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

Sinasabing ang bagong boyfriend ni Nadine ay may-ari at co-founder ng online magazine na BE Siargao, founder at managing director ng luxury resort sa Siargao na ang pangalan ay 'Maison Bukana.'

Samantala, sa panayam naman ni Boy Abunda kay James Reid, sinabi ni James na hangad niya ang kasiyahan ng puso ng dating karelasyon.

“I don’t think anyone in that situation is excited to see their ex with someone else, but you know, that’s not my choice. It can’t be my choice but if magically I had to decide whether or not she’d be with someone, of course, I wish her the best, I want her to be happy,” saad ni James.