Bininyagan na ang ikalawang anak ng celebrity stylist na si Liz Uy at negosyanteng si Raymond Racaza na si Mati.

Sa Instagram post ni Liz, masasabing simple lamang ang naging seremonya ng binyag, na isinagawa bago ang lockdown.

"Pre-lockdown, with just us three, we welcomed Mati into the Christian world," ayon sa caption ni Liz sa kanyang IG post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Liz Uy

Ikinuwento ni Liz na nangyari ang binyagan bago ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ noong Agosto 6. Marami naman sa mga kaibigang celebrities ni Liz ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa panibagong milestone na ito ng kanilang buhay-may-asawa.

Isinilang ni Liz si Mati noong Marso 2021. Ang kanilang panganay naman na si Xavi ay isinilang noong Setyembre 20, 2017.