Sabi nga, for every man's success, there is a woman behind it. Sa tuwing may laban si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, hindi nawawala sa kaniyang tabi ang misis na si Jinkee Pacquiao, na talaga namang pinag-uusapan hindi lamang ang kaniyang mga OOTD o Outfit of the Day, kung hindi maging ang mga mamahaling designer bags na kaniyang ginagamit.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang mga papalit-palit na designer bags na ginamit ni Jinkee habang siya ay nasa Los Angeles, para sa laban ni Manny. Isa sa mga naispatang bag na gamit niya ay ang iba't ibang style ng "Louis Vuitton." Alam naman ng lahat na basta LV, tiyak na mamahalin ang presyo!

Isa pa sa mga nakapukaw sa atensyon ng netizens ay ang iba't ibang style ng Fendi bag na mina-match niya sa kaniyang mga damit. Batay sa pananaliksik ng netizens, ang original Fendi bag ay nagre-range mula $2000 hanggang $5900.

Panghuli, hindi rin mawawala sa kaniyang mga pagmamay-ari ang "Christian Dior" bags na iba-iba rin ang kulay at style. Umaabot ang halaga nito mula $3800 hanggang $4900 ang isa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa mga ito, hindi rin mawawala ang iba't ibang stye ng Hermes bags sa mga koleksyon ni Jinkee.

Napansin din ng netizens ang suot niyang LV cap na ang presyo ay nasa $896 o ₱44,800 ang isa!

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Sa pagkatalo ni Manny, maraming naglabasang memes na tiis-tiis daw muna si Jinkee sa pagbili ng bag. "Jansports" daw muna ang ibibili sa kaniya ni PacMan, batay sa biro ng netizens.