Nagulat ang mga Pinoy fans sa mga lumabas na larawan sa social media ng "Pitch Perfect" star na si Rebel Wilson, dahil kapansin-pansin ang labis na pagbawas ng kaniyang timbang.

Nakilala ang karakter ni Rebel sa naturang musical film na si "Fat Amy" na kinagiliwan ng lahat; ngayon, malayong-malayo na ang hitsura niya ngayon dahil pinursige niya talaga ang pagpapapayat.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Larawan mula sa IG/Rebel Wilson

Larawan mula sa IG/Rebel Wilson

Larawan mula sa IG/Rebel Wilson

Larawan mula sa IG/Rebel Wilson

Ayon sa ulat, sumailalim umano si Rebel sa isang uri ng diet na tinatawag na "Mayr Method," na nakabatay sa pagkain ng mga gulay, high-protein foods, pag-iwas sa mga pagkaing maraming sugar, at pag-iwas sa tinatawag na "stress-eating" na nagiging dahilan upang mapakain ng junk foods.

Isa rin sa mga nakatulong upang mapababa niya ang timbang ay ang pagwo-work out.