Nag-self-quarantine na si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma mismo ni Malapitan na nalaman niya na nahawaan ito ng sakit matapos lumabas ang kanyang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test results, kamakailan.
“Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa COVID -19. Ako ay nasa maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling," pahayag ng alkalde.
Aniya, nauna na siyang nakaramdam ng mga sintomas ng virus kaya agad itong nagpa-swabt test kung saan niya natuklasan na positibo ito sa sakit.
Sa kabila nito, nangako ang alkalde na gagampanan pa rin nito ang kanyang trabaho.
Nanawagan din ito sa mga nakasalamuha nito sa mga nakaraang araw na mag-self-quarantine na at sumailalim na sa swab test.
Orly Barcala