Muling napanood ng kanilang mga tagahanga ang sikat na real-life couple at magkatambal na sina Liza Soberano at Enrique Gil o "LizQuen," hindi sa panibagong teleserye o pelikula, kung hindi sa latest vlog ni Liza na pinamagatang "Time For Trivia: Filipino Movie & TV Shows Edition" kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

"Hey everybody! Kumusta kayo? I’m back with another Time For Trivia episode and this time we pay tribute to our Filipino movies and films for 'Buwan ng Wika.' I know I’m more used to speaking in English but I did my best. Whoever loses or guesses the least amount of shows has a punishment and whoever guesses the most, really has just bragging rights! We hope you enjoy this video as much as we enjoyed (sort of suffered haha) doing it," saad ni Liza sa caption ng kaniyang vlog.

Screenshot mula sa YT/Liza Soberano

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa YT/Liza Soberano

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng netizens ang suot nilang couple ring sa video. Sinaliksik ito ng kanilang followers, at napag-alamang ito ay "Cartier love wedding band ring." Tanong ng marami: engaged na ba ang LizQuen?

Screenshot mula sa YT/Liza Soberano

Wala namang sagot ang LizQuen hinggil sa tanong na ito ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay.