May 22, 2026

Home BALITA National

Justice Committee, hiniling na padaluhin si Ramil Madriaga sa Abril 14!

Justice Committee, hiniling na padaluhin si Ramil Madriaga sa Abril 14!
Photo courtesy: Ramil Madriaga, File Photo

Pormal na hiniling ng House Committee on Justice sa Manila Regional Trial Court na payagang dumalo ang nagpakilalang “bagman” at “aide” umano noon ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga sa nakatakda nilang pagdinig sa Abril 14, 2026. 

Ayon sa mga dokumentong ipinadala ng Komite noong Marso 31, 2026, at natanggap ng Manila RTC noong Martes, Abril 7, 2026, mababasang sinabi nilang mahalagang susing personalidad si Madriaga kaya nila ito iniimbitahan. 

“The House Committee on Justice will resume its hearing for the determination of probable cause on the above-captioned impeachment proceeding on April 14, 2026, with Ramil Lagunoy Madriaga being one of the key personalities to be invited as resource person or witness,” pagsisimula nila. 

Contributed photo. 

Anila, kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, General Santos Avenue sa Lower Bicutan, Taguig City si Madriaga. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Pakiusap nila, marapat umanong makadalo si Madriaga sa kanilang pagdinig na nakatakdang ganapin sa oras na 10:00 ng umaga sa Abril 14, 2026, sa 2nd Floor ng People Center, House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon o pahayag ang nasabing hukuman sa hiling ng naturang House Panel. 

KAUGNAY NA BALITA: House Committee on Justice, inisyuhan ng subpoena ang COA!

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla, ibabala para maisumite SALN ni VP Sara sa House Committee on Justice