Galing na mismo sa talent manager ni Paolo Contis na si Manay Lolit Solis na hiwalay na ang kaniyang alaga kay LJ Reyes, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 22.

Matatandaang pumutok ang balita ng hiwalayan ng dalawa nang i-unfollow nina Paolo at LJ ang isa't isa sa kanilang mga Instagram accounts. Maraming nagsabing baka gimik lamang ito dahil may pelikula si Paolo na "A Faraway Land" katambal si Yen Santos, na mapapanood sa Netflix.

Paolo Contis Leading Lady Yen Santos Also Unfollows Everyone on IG
Larawan mula sa IG/Yen Santos

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Subalit ayon kay Manay Lolit, wala raw third party sa totoong dahilan ng break-up ng dalawa. Huwag na rin umanong isangkot pa si Yen dahil "open secret" naman umano sa publiko kung sino ba ang tunay nitong karelasyon.

“Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos… Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen Santos no! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari," saad ng showbiz columnist.

Ayon pa kay Manay Lolit, "na-outgrow" umano ng magka-live in partner ang isa't isa. Kaysa sa mag-away pa sila, mas pinili na lamang umano nilang maghiwalay na lamang nang tahimik.

LJ Reyes ready to migrate abroad with Paolo Contis – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag mula kay Paolo o mula kay LJ.