Natapos na ang appearance ni Jane De Leon sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano bilang Capt. Lia Mante, sa Friday episode ng teleserye noong Agosto 20, 2021.

Sa kaniyang social media accounts, pinasalamatan ni Jane ang cast and production team na bumubuo sa naturang teleserye, na pansamantalang humasa sa kaniyang action and fighting skills bago sumabak sa taping ng television version ng "Mars Ravelo's Darna" sa Kapamilya Network.

"Nagpapasalamat po ako unang-una kay Lord, sa Dreamscape Entertainment Family, ABS-CBN Management and bosses for giving me the opportunity na mapabilang sa Primetime Seryeng FPJs Ang Probinsyano. Sa buong cast and production, lalong-lalo na kay Direk Coco Martin for being so supportive sa pag-alalay sa bawat eksenang gagawin ko. It was an honor and privilege for me to be casted and ba part of the show. Thank you for the warm welcome. Sobrang dami ko pong natutunan at sa mga eksenang dito ko lang po nagawa. It was worth the experience," pahayag ni Jane.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

May be a black-and-white image of 2 people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Jane De Leon

Pinasalamatan din ni Jane ang mga batikang aktor na nakasama niya sa serye, na nagsilbing-bagay sa kaniya. Mamimiss umano niya ang mga kasamahang ito.

"Yung magandang samahan at kwentuhan, tawanan, pangaral at gabay na ibinigay sa akin lalong-lalo na kina Tito @mdemesa24, Tito @joeltorre_, Tito Jaime, Miss @imangelaquino, Tita @cristinagonzalezromualdez Kuya @thextianvazquez, Kuya @johnprats at Direk @cocomartin_ph ay di po matatawaran at siguradong mamimiss ko. Syempre po, sa aking Team Jane mahal ko kayo! At sa lahat na walang sawang nanuod sumubaybay sa FPJ-AP gabi gabi at kay Capt. Lia Mante, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG SUPORTA. Hanggang sa muli! THIS IS CAPT. LIA MANTE - SIGNING OFF," aniya.

Jane De Leon turns Coco Martin's life upside down in 'FPJ's Ang  Probinsyano' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Sasabak na si Jane sa kaniyang lock-in taping bilang Darna. Sa kaniyang pag-exit sa teleserye, inaabangan na ang pagpasok ng karakter ni Julia Montes, na tinukoy bilang "huling pag-ibig" ni Cardo Dalisay.

Samantala, mukhang tuloy-tuloy pa rin ang FPJ's Ang Probinsyano dahil sa pagpasok ng mga bagong karakter, at pag-extend ng panibagong istorya nito.