Inamin ni Gerald Anderson na para sa kaniya, si Julia Barretto na ang nararapat na babaeng papakasalan niya, habang nais naman sana niyang hingin ang kapatawaran ng dating karelasyon na si Bea Alonzo.

FIRST TIME: Julia Barretto posts sweet snap with Gerald Anderson – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Gerald para sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng "Init sa Magdamag" kasama sina JM De Guzman at Yam Concepcion, sinabi niyang kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay aayusin niya ang gusot sa naging paghihiwalay nila ni Bea.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

"Sana, kung pwede kong baguhin yung nangyari. Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes," saad ni Gerald.

“I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako," dagdag pa niya.

Masaya na ngayon si Bea sa karelasyon niyang si Dominic Roque.