Hindi pa rin interesado ni Senador Christopher “Bong” Gona tumakbo bilang presidente sa eleksyon 2022.

Ginawa ni Bong Go ang pahayag nitong Martes, Agosto 24 matapos maglabas ng press release ang Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) na tinanggap ni Duterte ang nominasyon bilang bise presidente sa darating na halalan.

“I am still not interested. Nakatutok ako sa aking tungkulin bilang Senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na ating hinaharap,” ani Bong Go.

“Bakuna muna bago pulitika. Mas mabuti unahin niyo na muna yung mga interesado na tumakbong Pangulo,” dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan na sinabi umano ni Go na hindi siya tatakbo bilang presidente kung hindi si Duterte ang kanyang running mate.

Hannah Torregoza