Pinag-usapan ng netizens ang kauna-unahang photoshoot ni Daisy Lopez o mas kilala bilang "Madam Inutz" na makikita sa kaniyang opisyal na Facebook page na "Daisy_licious Ukay."

Pinasalamatan ni Madam Inutz ang salon at spa na nagpabongga sa kaniya, gayundin ang kaniyang bagong talent manager na si Wilbert Tolentino. Ipinangako niyang hinding-hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kaniya, at hinding-hindi lalaki ang kaniyang ulo.

"My first photoshoot experience. Thank you ML Salon and Spa All Stars headed by Mary Letim Ponce. My official make-up artist. Thank you sir Wilbert Tolentino sa pag-aalaga sa akin. Pangako hindi lalaki ulo ko at lagi ko pakikinggan mga payo mo sa akin para sa ikabubuti ko," saad niya sa isa sa mga caption ng kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

image.png
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

image.png
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

image.png
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

image.png
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

Samantala, mapapanood naman sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino ang behind-the-scenes ng kanilang first-ever photoshoot.