Agaw-pansin si Kapuso actress Rhian Ramos matapos niyang ibida ang kaniyang mga larawan sa Instagram nitong Agosto 22, na nagbe-bake siya ng cookies habang nakasuot ng sexy outfit!

"Can BĀS BĀKES be a thing? I'm really into cookies rin," saad sa kaniyang caption. Suot ni Rhian ang V bottom printed tube crop top at black bikini bottom.

Larawan mula sa IG/Rhian Ramos

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Larawan mula sa IG/Rhian Ramos

Larawan mula sa IG/Rhian Ramos

Larawan mula sa IG/Rhian Ramos

Nagbigay naman ng komento sa kaniya ang ilan sa kaniyang celebrity friends. Pabiro naman siyang sinabihan ni Dr. Hayden Kho, mister ni Dra. Vicki Belo, na magsuot naman siya ng hair net habang nagbe-bake.

"Mag-hair net ka, uy!" saad nito.

Kamakailan lamang ay nag-launch si Rhian ng kaniyang e-commerce shop na nag-ooffer ng mga jewelry items.