Tanggap naman umano ni "Pambansang PacMom" Mommy Dionisia Pacquiao ang pagkatalo ng kaniyang anak na si Manny laban kay Ugas, ayon sa panayam ng media sa kaniya.

Binantayan din ng media ang kaniyang pagdarasal para sa kaligtasan ng kaniyang anak sa pakikipagbakbakan sa isang chapel sa General Santos City.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/22/mommy-dionisia-naispatang-nagdarasal-para-sa-laban-ng-anak-na-si-manny/">https://balita.net.ph/2021/08/22/mommy-dionisia-naispatang-nagdarasal-para-sa-laban-ng-anak-na-si-manny/

"Hindi ako nalungkot kasi sa ganiyang laban, may nananalo at may natatalo, 'di ba? Hindi naman palaging panalo," magaan sa dibdib na pahayag ni Mommy D.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

For nth time, Mommy Dionisia wants son Manny Pacquiao to retire from boxing  – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Unanimous ang naging desisyon ng mga hurado pabor kay Ugas kaya napanatili nito ang WBA "super" welterweight title kontra kay Manny. Ginanap ang laban Sabado ng gabi (tanghali ng Linggo sa Pilipinas) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Kung si Mommy D ang tatanungin, ayaw na niyang makitang lumaban pa ang anak.

"Magretiro na siya. Sinabihan ko dati noong nanalo siya na magretiro na siya. Ayaw niya… Siguro, saka na lang kung natalo siya. Ngayong natalo siya, magretiro na siya," tahasang pahayag ni Mommy D.

Hindi na umano bumabata ang kaniyang anak. Kakausapin niya umano ang anak sa mga susunod na araw upang kumbinsihin itong magretiro na. Aminado kasi si Mommy D na todo ang kaba niya sa tuwing nakikipagbugbugan ang anak sa ring. Wala na umanong dapat pang patunayan ang kaniyang anak pagdating sa boxing.