Hindi pa rin nagsasalita si Paolo Contis o maging si LJ Reyes kung ano ang dahilan kung bakit kailangan nilang i-unfollow ang isa't isa sa kanilang social media accounts, gayundin ang pagbura sa ilan sa kani-kanilang mga photos.

Matatandaang noong Agosto 19 ay pumutok ang isyung hiwalay na ang celebrity couple dahil nga sa pag-unfollow nila sa isa't isa, kasabay pa sa streaming ng pelikulang "A Faraway Land" na pelikula nina Paolo at Kapamilya actress Yen Santos.

Marami sa netizens ang nagsabing baka ito umano ay bahagi lamang ng pakulo para sa promotion ng pelikula, ngunit marami rin ang nagsasabing baka totohanan na ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

OMG! Paolo Contis, LJ Reyes no longer together? – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

LJ Reyes ready to migrate abroad with Paolo Contis – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Nagtataka naman ang kanilang mga tagahanga dahil noong Agosto 18, sa panayam kay LJ sa isang morning talk show, sinabi niyang handa raw siyang mag-migrate sa ibang bansa kasama si Paolo at ang kanilang mga junakis. Sagot niya ito sa tanong na "Meron kang major major role. Pero ang boyfriend o asawa mo, gustong mag-migrate. Sasama ka ba?"

Si Paolo ay abala ngayon sa lock-in taping para sa teleseryeng "I Left My Heart in Sorsogon" kasama sina Heart Evangelista at Richard Yap.