Sa bawat laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, asahan nang may isang nilalang na hindi nakakampante sa panonood lamang kung paano makipagbangasan ng mukha ang anak sa kalaban, kung hindi idinaraan ito sa matinding dasal---iyan ay walang iba kundi si Mommy Dionisia Pacquiao.

Walang mintis si Mommy D sa kaniyang pagdarasal sa tuwing sasabak sa arena ng suntukan si Manny, simula nang una itong lumaban para sa bansa. Nitong Agosto 22, naispatan ulit si Mommy D sa isang chapel, nakaluhod, at taimtim na nananalangin sa harap ng altar, para sa kaligtasan ng kaniyang anak na si Manny laban kay Yordenis Ugas. Ibinahagi ito sa isang religious Facebook page na "Kuya CFD."

May be an image of one or more people, people standing and indoor
Larawan mula sa Facebook/Kuya CFD

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Mommy Dionisia began praying in a chapel in General Santos City for her son Pastor Manny Pacquiao. Despite the religious differences between the two, Mommy D still practiced her custom whenever her son had a fight- and that was to pray the Holy Rosary," saad sa caption.

"Wala talagang makakatibag sa isang pananampalatayang hinubog na ng panahon," dagdag pa.

Matatandaang galit na galit si Mommy D noon nang magpasya si Manny na mag-iba ng kaniyang relihiyon, at naging pastor pa nga.