Tila sunod-sunod na nga ang buhos ng suwerte sa sikat na online seller na si Daisy Cabantog o mas kilala bilang 'Madam Inutz' dahil matapos maging viral, mabisita ng ilang sikat na celebrities, mabigyan ng pakimkim ng kaniyang mga viewers, heto't kumasa naman siya sa 2-minute shopping challenge ng kaniyang bagong manager na si Wilbert Tolentino.

Matatandaang ilang araw matapos umatras sa Star Image Artist Management, pumirma ng kontrata si Madam Inutz kay Wilbert na first-ever Mr. Gay World Philippines titleholder, isang businessman, social media influencer, at philantropist. Binigyan siya nito ng P200,000 para sa therapy ng nanay niya at dagdag na P100,000 bilang puhunan sa online selling.

Bilang bahagi ng challenge ni Wilbert sa kanila ni "Hipon Girl" ng Wowowin, sa loob ng 2 minuto ay hinakot ni Madam Inutz ang mga kagamitang na madampot---magmula sa mga unan, kumot, bedsheet, kaldero, kawali, plantsa ng buhok, lipsticks, plantsa ng buhok at blower, mga plastic cabinet, at iba pang mga estante. Sa kabuuan ay umabot ang kaniyang mga nakuha sa halagang P342,173.00.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

Screenshot mula sa YT/Wilbert Tolentino

"Hindi ako makapaniwala, para akong nananaginip! Napapanood ko lang 'to dati sa TV eh," saad ni Madam Inutz nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya.

Hindi man umano nila magamit ang lahat ng nahakot niya ay baka isama na lamang niya sa mga item na ititinda niya sa online selling.