Binatikos ng isang multi-sectoral group ang Department of Health (DOH) kasunod ng “deficiencies” sa₱67 bilyong coronavirus disease (COVID-19) funds kung saan “clear disregard” umano ito sa kalusugan at kapakanan ng publiko.
Inulan ng batikos ang DOH matapos kuwestiyunin ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga hindi nagamit at maling paggasta ng pondo para sa COVID-19 response.
“The systemic bureaucratic corruption in government agencies, especially in the DOH, steals the people’s hard-earned money and deprives them of quality healthcare and social services,” sabi ni Health Alliance for Democracy Secretary General Albert Pascual.
Sa kabila ng paliwang ni Health Secretary Francisco Duque III na “accounted for” ang pondo, pinangangambahan ngayon ang mass resignation ng mga nurses at health workers dahil sa mga unpaid na benepisyo kabilang na ang COVID-19 hazard pay.
“The threat of mass resignation of health workers is a result of years of neglect and abuse. Dagdag nang dagdag ng trabaho, pero 'yung dagdag sahod at benepisyo, wala. Sino ang hindi mapupundi sa ganyang sitwasyon?” pagtatanong ni Dr. Gene Nisperos, ng University of the Philippines College of Medicine.
Gabriela Baron