Matapos ang opisyal na pag-amin nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang relasyon, naging sunod-sunod na lalo ang pagpapakita nila ng public display of affection o PDA sa kani-kanilang social media accounts. Maraming nagsasabing bagay na bagay sila at suwerte umano si Bea na nakatagpo siya ng isang lalaking magmamahal sa kaniya nang tapat, matapos ang "mala-bangungot" na karanasan sa nakalipas niyang relasyon.

Ngunit sino nga ba si Dominic Roque na nakabihag sa puso ng award-winning actress na gaya ni Bea Alonzo? Ang buong pangalan niya ay Dominic Karl Manalo Roque na ipinanganak noong Hulyo 20, 1990 mula sa Cavite. Ang kaniyang mga magulang ay parehong negosyante; ang kaniyang ama ang CEO ng kanilang kompanya habang ang ina naman na si Lena Roque ay ang company president. Tumutulong-tulong din si Dominic sa pagma-manage ng kanilang negosyo.

Larawan mula sa IG/Dominic Roque

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Si Dominic ay nagtapos ng kaniyang hayskul sa Imus Institute at natapos naman niya ang kursong Tourism sa De La Salle University-College of Saint Benilde.

Bago pasukin ang pag-arte ay nasa mundo muna siya ng modelling. Noong 2008, naging modelo siya ng Cosmopolitan Talent Agency, at ng sikat na clothing line na Penshoppe.

Noong 2010, tuluyan na siyang sumabak sa pag-arte sa ilalim ng ABS-CBN at Star Magic (hanggang ngayon). Ang debut onscreen niya ay teleseryeng "Habang May Buhay" bilang Mark. Noong 2012, ipinagkatiwala sa kaniya ang maging leading man ni Ella Cruz para sa fantaseryeng "Aryana." Naging bahagi rin siya ng remake ng "Pangako Sa 'Yo" kasama ang KathNiel.

Pagdating naman sa mga pelikula, ilan sa mga nagawa niya ay ang "Spirit of the Glass 2: The Haunted," "My Ex and Whys," "Seklusyon," "Crazy Beautiful You," at "Pagpag: Siyam na Buhay."

Malinaw na nagkakilala sina Dominic at Bea noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang aktres. Nagsimula ang espekulasyon hinggil sa kanilang dalawa, nang mag-post si Dominic ng isang litrato sa kaniyang Instagram account noong July 21, 2020 kung saan ang nakalagay sa caption ay "Tila ako'y nabighani." Batay sa naturang larawan, tila nasa loob sila ng isang restaurant at parehong hindi ipinakita ang kanilang mukha. Ang tanging pagkakakilanlan ng babaeng kasama niya ang pangalan nito, matapos i-tag ang aktres.

Larawan mula sa

Naging sunod-sunod na nga ang pagpo-post nila ng mga larawan nila, bagama't wala silang kinukumpirmang kahit na ano sa kanilang relasyon.

Matapos pumirma ni Bea Alonzo ng exclusive contract sa GMA Network noong Hulyo 1, lumipad silang dalawa ni Dominic patungong America para sa one month-long vacation. Sa vlog ni Bea, makikita ang kanilang mga pinuntahan at ginawa ni Dominic.

Pagbalik ng dalawa sa Pilipinas noong Agosto 9, kinumpirma na nga ng dalawa ang kanilang relasyon.

Did Bea Alonzo call Dominic Roque 'hon'? – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

“It wasn’t as if like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. Or masyado akong nag act upon what I was feeling. It just came out naturally,” paliwanag ni Bea sa panayam ng isang television program.

“It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. S’yempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official.” dagdag pa niya.

Si Dominic ay 31 habang si Bea naman ay 33.