Tila ginamit at ibinalik ng sikat na vlogger na si Madam Kilay ang salitang 'inutil' sa sikat na online seller na si 'Madam Inutz' matapos kasi nitong pumirma ng kontrata sa Star Image Artist bilang kanilang bagong talent.

Si Madam Kilay, o Jinky Cubillan Anderson sa totoong buhay, ay isang Filipino comedienne at vlogger, na nakilala dahil sa OA at super kapal niyang kilay, at kinainggitan pa dahil nagkaroon ng jowang Afam. Sa ngayon, siya ay nasa California.

Screenshot mula sa FB/Madam Kilay

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang pinatutungkulan niyang si Madam Inutz ay ang sikat na online seller na si Daisy Cabantog, na nakilala dahil humahakot ng katakot-takot na viewers kapag nagla-live selling na siya, pero wala ni isang miners. Malulutong na mura ang pinakakawalan niya sa kanila, na ikinatutuwa naman ng mga 'tambay.' at 'inutil.'

"Dapat nagsolo ka na lang, inutil ka talaga. Kayang-kaya mo yung sarili mo, sumisikat ka na nga eh, tapos nagpapahawak ka pa. Kung ang budget mo sa sarili mo ay P30,000, ang mapupunta sa iyo ay P10,000 na lang. Gunggong ka sabi mo 'di ba? Dapat nagsolo ka na lang 'te!" ani Madam Kilay.

Sa isa pang gigil Facebook post, muli itong inulit ni Madam Kilay.

"UNG NANAY NYO GIGIL NA!! Basta pa ulit-ulit kong sasabihin na nakakapanghinayang ang kikitain mo na dapat sanay sa'yo lang!"

Tila sumang-ayon naman rito ang karamihan sa netizens.

"Guys nabudol lang si inutz kaya siya pumirma. Wala nga siya idea sa mga ganyan masyado. Di ba nga sabi niya admin niya apat bobo pa daw yung isa. HAHAHA sayang talaga dapat may nagturo agad sa kanya, eh di sana naabisuhan siya diba. ohhhhh divaahhhh.. Inutz ka tlga!" wika ng isa.

"Mapagsamantala rin kasi yung Star Image porke alam nila na wala pa masyadong idea si Queen Inutz sa mga ganyan eh. Sayang lang talaga hahaha." turan naman ng isa.

Queen Inutz, artista na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Larawan mula sa Balita Online

Sa latest live ni Madam Inutz nitong Agosto 15 ng gabi, sinabi niyang matapos ang konsultasyon sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at abogado, ipinasya niyang kumalas na sa Star Image Artist Management.

Kaya lamang umano siya napapirma nang mabilisan ay dahil masyado siyang na-overwhelm sa alok sa kaniya, kahit na hindi niya lubos na nauunawaan ang nilalaman ng dokumento.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag hinggil dito ang Star Image Artist Management.