Matapos ang ilang buwang pagde-deny, kinumpirma nina 'Bagong Umaga' co-stars Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon.

Batay sa Instagram posts nina Heaven at Kiko nitong Biyernes, Agosto 14, makikita ang sweet photos ng mag-jowa matapos ang ilang buwang social media hiatus ni Kiko.

Screenshot mula sa IG/Heaven Peralejo

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Screenshot mula sa IG/Heaven Peralejo

Screenshot mula sa IG/Heaven Peralejo

Screenshot mula sa IG/Heaven Peralejo

JOWA REVEAL! Kiko Estrada shares sweet photos with girlfriend Heaven  Peralejo – Manila Bulletin
Screenshot mula sa IG/Heaven Peralejo

“His” ang isa sa mga simpleng caption ni Heaven sa isa sa mga larawan nila ni Kiko. Wala na rin silang kiyeme sa pagsasabi ng “I love you” sa isa't isa.

Matatandaang noong Marso, naghiwalay sina Kiko at ang girlfriend nitong si Devon Seron, at ang itinuturong dahilan umano ay si Heaven. Mariin naman itong itinanggi ng aktres.

"To set things straight, I am not romantically associated with Kiko nor am I the reason for their break up." pahayag noon ni Heaven.

Sa 'Jojowain o Totropahin Challenge' sa vlog niya noon, inamin ni Heaven na matagal na niyang bet si Kiko, kaya lang may jowa na, kaya totropahin na lang.

"Kiko Estrada. Oooo…. Actually, crush ko siya dati. Hindi alam ng mga tao 'yon. Kasi, dati pag nagkakaroon ako ng crush, like mga 2 days lang, no joke… tapos hindi ko na crush. Sabi ko, 'Ma, ang gwapo talaga.' Crush ko talaga ‘to dati. 'Dati' kasi… Pero syempre ngayon may jowa siya, so 'Totropahin.' RESPECT. RESPECT!" sabi pa niya.

Bandang Abril, inamin ni Kiko na wala na sila ni Devon, na inilarawan niya dati bilang babaeng pakakasalan na niya.

Noong Hunyo, spotted ang dalawa na 'HHWW' o Holding Hands While Walking habang naka-face mask.

HHWW? Netizens react to viral photo of Kiko Estrada, Heaven Peralejo – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Samantala, hindi pa sigurado kung kailan ba talaga nagsimula ang romance sa pagitan ng dalawa; kung matagal na ba silang nagkakausap, o dahil sa pagsasama nila sa teleserye.