BALANGA, Bataan – Dalawang lalaking sanggol ang kabilang sa 15 na binawian ng buhay sanhi ng coronavirus disease 2019 sa Bataan sa nakalipas na dalawang araw.
Ito ang naiulat ng Provincial Health Office (PHO) at sinabing sa dalawang sanggol ay kabilang ang isang 11 buwang gulang na nasawi sa Dinalupihan nitong Agosto 9 at ang ikalawa apat na buwang gulang pa lamang ay namatay naman sa Hermosa nitong Agosto 10.
Sa rekord ng PHO, binawian ng buhay ang nasabing apat na buwang gulang na lalaki sanhi ngmultiple organ dysfunction syndrome, acute respiratorystresssyndrome, at severe COVID 19.
Nasawi naman ang ikalawang sanggol sanhi ng hypovolemic shock, acute gastroenteritis with severe dehydration, at severe COVID.
Kabilang naman sa 13 pa na namatay ang siyam na babae at apat na lalaki na taga-Mariveles, Abucay, Limay, Balanga City, at Pilar.
Nitong Agosto 12, naitala ng lalawigan ang 2,355 na kabuuang COVID-19 cases nito.
Shirley Matias Pizarro