Pumalo na ngayon sa mahigit 1.7 milyon ang total COVID-19 cases sa bansa habang umakyat na rin sa mahigit 87,000 ang aktibong kaso ng sakit matapos na makapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 12,000 bagong kaso ng impeksyon nitong Huwebes.

Sa inilabas na case bulletin No. 516 ng DOH, nakapagtala pa sila ng panibagong 12,439 bagong kaso ng sakit niotnngAgosto12.

Dahil sa naturang bagong kaso ng impeksyon, umaabot na ngayon sa 1,700,363 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 5.2% o 87,663 pa ang kabuuang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman kabilang dito ang 95.3% na mild cases, 1.5% na severe, 1.2% na asymptomatic, 1.08% na moderate at 0.9% na critical.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 6,090 na bagong gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 1,583,161 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.1% ng total cases.

Dumagdag din ng 165 na pasyente ang binawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa ngayon, umaabot na sa 29,539 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.74% ng total cases.

“Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso,pinaaalaalahananpo natin ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards. Kapag naman nakaranas ng mga sintomas ay agad na mag isolate at kontakin ang inyong Barangay Health Emergency Response Teams,” panawagan pa ng ahensya.

Mary Ann Santiago