Nitong Oktubre 24 ay ginulat ni Queen of All Media Kris Aquino ang lahat, nang i-anunsyo niya na engaged na sila ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento, na ipinahayag niya sa pamamagitan ng Instagram post.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/24/kris-aquino-at-mel-sarmiento-engaged-na/

Matatandaang nawindang ang mundo ng showbiz sa rebelasyon at kumpirmasyon noon ni Kris Aquino, na ang tinutukoy niyang 'special someone' na binigyan niya ng sweet birthday greeting sa social media ay si Mel nga. Maraming netizens kasi ang nakapansin sa ginawang pagtatanggol ni Mel kay Kris nang may basher na tumawag ritong 'narcissistic.'

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kris Aquino says she left Quezon City to 'run away from love' – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

"Hiniram ko yung phone ni Kris--ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department, mahirap maalala ang lahat. Huwag namang masamain kung nag-greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas? Eh napasaya nga niya ko--- kung tutuusin napakasuwerte ko. Kung nagsama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa amin ni Kris," pagtatanggol ni Mel kay Kris.

Tanong ng mga chismosang kapitbahay, at bakit nahiram ni Mel ang cellphone ni Kris? Ibig bang sabihin nito, magkasama sila? Isa pang nabigyang-kulay, ang mga salitang 'respeto naman sa AMIN ni Kris.'

At waley na nga kawala si Kris, napaamin na ang lola n'yo!

Samantala, sa isang Instagram post naman, kilig na kilig si Kristeta sa padalang bouquet of flowers sa kaniya ni Mel. Ngayon lamang umano siya nakatanggap ng ganitong kabonggang pa-thank you dahil sa birthday post.

"Bimb carried this pretty awesome bouquet… I have never been thanked this way for a “birthday” post… obviously he has Bimb’s yes and I’ve always been vocal, when my sons are okay, then my world’s okay… and because I want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us- my family, closest friends, and trusted team," saad ni Kris.

"Thank you for wanting me to be happy, this time I feel even Noy in heaven will finally approve, siguro naman because we’d never have met had it not been for him," dagdag pa niya.

Screenshot mula sa IG/Kris Aquino

Matapos nito, namataan ulit si Mel na dumalo sa isang virtual meeting habang nasa bahay ng aktres.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/20/nakatira-na-nga-ba-si-mel-sarmiento-sa-bahay-ni-kris-aquino/">https://balita.net.ph/2021/08/20/nakatira-na-nga-ba-si-mel-sarmiento-sa-bahay-ni-kris-aquino/

Ngunit sino nga ba si dating DILG Sec. Mel Sarmiento na nagpatibok sa puso ni Kristeta, at ngayon ay fiance na niya?

Si Mel Senen Sarmiento ay naglingkod bilang kalihim ng DILG mula Setyembre 2015 hanggang Hunyo 30, 2016 sa ilalim ng huling taon ni dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III, na kapatid ni Kris.

Ipinagdiwang ni Mel ang kaniyang 59th birthday nitong August 11. Ang kaniyang ama ay nagmula sa Calbayog City, Samar at ang ina naman niya ay mula sa Roxas City, Capiz. 1992 nang una siyang sumabak sa politika bilang vice mayor ng Calbayog City, at nagtapos ang kaniyang termino noong 1995. Noong 2004 hanggang 2010, siya naman ay naging mayor.

Mel Senen Sarmiento (@SecMelSarmiento) | Twitter
Larawan mula sa Twitter

Noong 2010 hanggang 2015, siya naman ay naging kongresista sa unang distrito ng Western Samar noong 15th Congress. Siya ay naging Vice Chairman of the Committee on National Defense at Committee on Public Order and Safety siya. Sa ikalawang termino, siya ay naitalaga bilang Vice Chairman of the Committee on Millennium Development Goals and Transportation. Nagbitiw siya sa tungkulin nang maitalaga siyang DILG Secretary noong 2015.

Noong Disyembre 2007, nakatanggap siya ng Konrad Adenauer Medal of Excellence (KAME IV) na ipinagkaloob mismo ng Ambassador of Germany, H. E. Axel Weishaupt sa Manila Hotel.

Congrats, Mel at Kris! Love, love, love!