Mega happy si Sharon dahil sa magagandang feedback at komentong natatanggap niya mula sa fans na nakapanood na ng kaniyang pelikulang 'Revirginized' via online streaming, na nagsimula noong Agosto 6.

Makikita sa Instagram post ni Mega ang kaniyang kasiyahan dahil mainit na tinanggap ng mga tao ang kaniyang pelikula, kahit may ilang nagtataas ng kilay sa kaniya sa pagtanggap niya umano ng ganitong klaseng proyekto. Naka-tag ang post sa direktor nilang si Darryl Yap, sa Viva Films, gayundin kina Marco Gumabao at Rosanna Roces. Bukas aniya siya sa ideya sa pagkakaroon nito ng sequel.

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

"Based on your comments on all social media platforms (thank you!!!), there is a clamor for a part two of “REVIRGINIZED!” You in, guys? Calling @vincentimentsofficial @direkdarrylyap @vivamaxph @viva_films !!! I’D LOVE TO DO A SEQUEL!

Everyone, you might wanna let Direk and vivamax know yourselves, too! @gumabaomarco @therealrosannaroces!" ani Mega.

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Kung itinuloy niya ang pagpapatapyas at pagpapaangat ng kaniyang boobs na inamin naman niya, may panibago na naman siyang promise sa kaniyang fans.

"Kapag natuloy ang part 2, kasing payat na ako ni Angel Aquino!!! Napakaganda at sexy pa rin, 'di nagbago!" aniya.

Game na game at agad namang tumugon dito ang kaniyang katambal sa pelikula na si Marco Gumabao. Aniya, "I'm ready!"

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Narito ang ilan sa mga komento ng fans na nakanood na nito:

"Been loving this movie so much! Part 2 pleaseee," wika ng isa.

Sabi naman ng isa, "Part 2 please! Ate, what will be your next project? Teleserye na ba or another movie? Sana part 2 nito."

"Please po… my mega idol… part 2… super ganda po ng movie…" pahayag naman ng isa.

Samantala, sa panibagong Instagram post ni Mega, sinabi niyang tila kumakasa ang kanilang direktor na si Darryl Yap para sa part 2. Grabe umano ang panawagan sa part 2, at may naiiisp na umano itong kuwento.

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Hindi umano nagsisisi si Mega na tinanggap niya ang movie project na ito, dahil nasa punto na umano siya ng kaniyang showbiz career, na nais niyang mag-eksperimento at gawin ang mga uri ng proyektong hindi aniya nagawa noon.