Mukhang balde-balde umano ang iluluha ni Dimples Romana kung sakaling dumating na ang araw na magpapakasal na ang real couple at magkatambal na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o mas kilala bilang 'KathNiel.'

Nagkomento kasi si Kathryn sa 'sagad' na pag-iyak ni Dimples na nagsilbing witness sa kasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

"Haaay love you sagad @dimplesromana… grabe yung iyak!" ani Kathryn sa comment section ng IG post ni Angel.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Screenshot mula sa IG/Angel Locsin

kath
Screenshot mula sa IG/Angel Locsin

kath
Screenshot mula sa IG/Angel Locsin

Tugon naman ni Dimples, "@bernardokath nakakahiyaaaa Jusko! Etong si ate @therealangellocsin parang ewan pinost pa nya yan lahat!!! Kaya mag ready ka na kasi pag time nyo na ni Dj, balde balde malamang iluha ko."

Sumingit naman ng komento si Angel, "Naku @bernardokath ilayo mo siya kay mommy at maa-outshine niya."

Screenshot mula sa IG/Angel Locsin

Si Dimples ay itinuturing na pinakamatalik na kaibigan ni Angel sa showbiz. Malapit ding kaibigan ni Dimples sina Kathryn at Julia Montes dahil nagkasama-sama sila remake ng teleseryeng "Mara Clara," na nagbigay-daan upang makilala at sumikat nang husto ang dalawa. Nagkasama naman sa seryeng "Lobo" sina Angel at Dimples at doon nagsimula ang closeness nila.

Si Angel naman ay nakasama ang KathNiel sa part 3 ng Lobo na 'La Luna Sangre.'