Tuwang-tuwa ang fans ni Queen of All Media Kris Aquino nang muling masilayan ang 'K' ni Krissy---as in kinang, kagandahan, kahusayan, kataklesahan, at kakikayan sa telebisyon, matapos maging co-host ni Willie Revillame sa TV special ng Shopee nitong Linggo, Agosto 8, na napanood sa GMA Kapuso Network.

Marami naman ang kinilig kina Kris at Willie dahil umano sa chemistry nila sa hosting, at sa ginawang pagpunas ni Kris sa pawisang noo ni Willie. Sa Instagram post ni Kris, nagpapaka-naughty lamang naman umano siya kay Willie, at halatang-halatang 'kinilig' ito.

"Sorry, I’m just being naughty, sinabi ko naman kasing 'wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig…" saad ni Kris sa caption ng kanyang IG post, na may hashtag na #IkawNaNga mula sa sikat na awitin ni Willie. Kasama nila sa larawan sina Ariella Arida at Andrea Torres na tuwang-tuwa at kilig na kilig din sa kanilang dalawa.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Screenshot mula sa IG/Kris Aquino

Screenshot mula sa IG/Kris Aquino

Naging seryoso na si Kris sa pagpapasalamat kay Willie, na naging mabait umano sa kanya at sa kanyang dalawang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby. Inalalayan din siya nito umano sa rehearsals, lalo't aminado siyang medyo kinakabahan siya, dahil matagal nga siyang nawala sa telebisyon.

"…but in all sincerity, straight from my heart, THANK YOU Willie-for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan niya)- like I said you have my lifelong gratitude and support because when you didn’t have to, naging napakabuti mo sa ‘min nila Kuya Josh and Bimb. For the 3 of us."

Kris Aquino tells fans: 'See you on 8/8' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Willie Revillame plays cupid to Kris Aquino's heart – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa guesting na ito ni Kris sa Kapuso Network, maraming nag-uudyok na ituloy-tuloy na raw sana niya ang paglabas sa telebisyon. Marami na kasi ang nakaka-miss sa kanyang hosting. Maaari umano niyang palitan si Willie sa 'Wowowin' kung sakaling itutuloy nito ang pagtakbo sa senado.