Walang kiyemeng inamin ng indie actor na si Charles Delgado na dumating sa puntong nagbenta siya ng mga erotic videos niya online upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na sa misis niyang may cancer.

Inamin ni Charles sa isang entertainment news website na PEP, ito na lamang ang tanging naisip niyang paraan upang maipagpatuloy ng kanyang misis ang chemotherapy para sa lung at ovarian cancer, sumabay pa ang paglamlam ng paggawa ng pelikula dahil sa pandemya.

WTFu (What the FU) by MR. FU: The indie actor's comeback – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Naibenta na raw ni Charles ang lahat ng mga gamit niya, pati sasakyan, na naipundar niya mula sa kinita niya noon sa indie films kung saan wala rin siyang kiyemeng ipasilip ang kanyang katawan sa harap ng camera.

Halos nasa ₱1M na umano ang nagagastos nila sa chemo simula pa noong 2019. Hindi umano siya humingi ng tulong sa kahit na kaninong mga taga-showbiz: Salamat na lamang daw sa mga ahensya ng pamahalaan, katulad ng PCSO, Office of the VP, at marami pang iba.

At dahil sanay nga siya sa pagiging hubadero, naisip na niyang ibenta ang mga erotic videos niya sa mga followers niya sa Facebook, Instagram, at Twitter. Alam na rin umano ng kanyang misis ang kanyang ginagawa.

CHARLES DELGADO on Twitter:
Larawan mula sa Twitter/Charles Delgado

CHARLES DELGADO on Twitter:
Larawan mula sa Twitter/Charles Delgado

Aminado rin si Charles na sumasakit na ang kanyang ulo dahil malaki pa ang magagastos para sa kanyang misis, katulad na lamang ng hospital bills at iba pa.

Kahit sanay na siya sa paghuhubad, nakararamdam pa rin umano siya ng hiya, lalo pa't sariling sikap ang ginagawa niya upang mapaligaya ang mga followers at subscriber na 'sabik sa kakaibang panoorin' lalo na sa panahon ng lockdown.

Kung interesadong mapanood ang mga erotic videos ni Charles, i-type lamang ang kaniyang pangalan na 'Charles Delgado' sa Facebook, Instagram, at Twitter account niya, i-like at i-follow siya.