Dahil sa agarang pangangailangan ng mga residente at pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, inilabas na ng Department of Budget and Managagement(DBM) ang₱10.894 bilyong ayuda ng pamahalaan.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Agosto 9 at sinabing ibinigay na ito sa mga local government unit (LGU) nitong Biyernes.

Paniniyak ni Roque, makatatanggap ng₱1,000 ang bawat residente o hanggang₱4,000 sa bawat pamilya sa NCR.

Sa panig naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, uumpisahan ang pamamahagi ng ayuda sa Miyerkules, Agosto 11.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Gayunman, ipinaliwanag nito na maaari ring mauna nang mamahagi ang mga LGU bago pa sumapit ang napagkasunduang petsa.

Binigyan ng 15 na araw ang mga LGU upang matapos ang pamamahagi ng cash assistance, gayunman, maaari pa ring palawigin ng mga ito ang pagsasagawa nito kung hindi nila ito matapos dulot na rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Argyll Cyrus Geducos