Patuloy pang nadadagdagan ang mga insentibo at pabuyang matatanggap ng tatlong Filipino boxers na nagwagi ng medalya sa Tokyo Olympics sa pag-uwi nila sa Pilipinas.

Ang tatlo-sina silver medalists Carlo Paalam (men's flyweight) at Nesthy Petecio (women's featherweight) at Eumir Marcial (men's middleweight) ay nakatakdang tumanggap ng karagdagang rewards mula sa Philippine Olympic Committee (POC) alinsunod na rin sa anunsyo ni POC President Abraham Tolentino nitong Linggo.

"The two silvers and one bronze, bibigyan ko na rin ng pabahay, para puwede na rin ibigay sa kamag-anak nila," ani Tolentino sa isang pulong balitaan.

Nauna ng pinangakuan ng bahay at lupa ni Tolentino sa Tagaytay ang weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos nitong magwagi ng unang Olympic gold medal ng bansa.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Bukod dito,bibigyan din ng karagdagang cash incentives ng POC ang apat na Filipino Olympic medalists sa Tokyo.

"With some of the savings of the POC, I'm now announcing that the bronze will receive from POC, additional P1M, and for silver medalists, P2M, for gold P3M," ani Tolentino.

"Grabe po 'yung blessing, at sobrang thankful po kami sa Panginoon na may isang ginamit niyang tao para po makatulong sa amin at magbigay ng inspirasyon sa amin," hindi makapaniwalang pahayag ni Marcial.

Nakatakda nang bumalik ng bansa sa Lunes ang mga Filipino boxers at ang iba pang miyembro ng Philippine delegation.

Marivic Awitan