BAGUIO CITY – Anim sa 12 sakay ng isang pribadong sasakyan ang inaresto nang mahulihan sila ng pekeng resulta ngReverse TranscriptionPolymerase Chain Reaction (RT-CPR) test sa Quarantine Checkpoint sa Marcos Highway, Baguio City, nitong Sabado ng umaga.
Sa paunang ulat ng Baguio City Police City (BCPO) Station 10, ang anim na suspek na pawang nag-a-apply ng trabaho para ibang bansa, ay kabilang sa 11 na sakay ng isang van na may plakang NAM-8925 na minamaneho ni Andres Anthony Manolotova.
Nakilala ang mga ito na sina James Balides Naing, 21, taga-B3, L2, Kamagong St. Commonwealth Quezon City; Princess Lawigan Bernarte, 24, taga-B7, L11,PH 2, Sec 12, Pabahay, San Jose del Monte,Bulacan; Evelyn Barcelona Codilla,30, taga-Commonwealth Malaybay City, Bukidnon; Mylene Pagobo Eran, 31, taga-A-3 Bagong Silang Cavite; Josephine Abne Ogoc, 38, taga- Zamboanga City at Milky Chill Candaza, 31.
Sa panayam naman kay City Police Station 10 chief, Capt. Juan Carlos Recluta, pinara nila ang nasabing van sa checkpoint dahil papasok na ang mga ito sa lungsod, dakong 11:00 ng umaga.
Nang hanapan ng travel/medical documents ang mga pasahero, iniharap ng 12 ang kanilang medical certificate, gayunman, duda ang mga pulis sa dokumento.
Dahil dito, dinata ang mga ito sa Baguio Convention Center Triage Facility at sa pagsusuri ay natuklasang na ang anim sa mga ito ay may lehitimong RT-CPR test negative results at ang anim na iba ay pawang peke ang dalang papeles.
Natuklasan din sa pagsusuri na isa sa anim ay positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa imbestigasyon, inamin ng mga suspek na hindi nila kayang gumastos sa antigen o RT-CPR test, kaya nagpagawa na lang sila ng pekeng medical certificate sa Recto, Maynila.
Paliwanag naman ni BCPO-Police Community Affairs and Division Unit chief, Lt. Col. Judy Palicos, dahil sa pagkapositibo ng isa sa mga ito ay kaagad silang isinailalim sa RT-PCR test habang binabantayan pa rin ang kanilang sitwasyon sa House Isolation Center sa T. Alonzo sa lungsod.
Sasampahanang mga ito ng kasong paglabag sa Falsification of Document at paglabag sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).
Zaldy Comanda