Iginiit ni Senador Panfilo Lacson ang pagpapatigil sa isinasagawang “census” sa ilang barangay gamit ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC matapos itanggi ng Philippine National Police (PNP) na pinapayagan nito ang pagsasagawa nito.

Ito ang reaksyon ni Lacson, kasunod na rin ng mga impormasyon na kanyang natatanggap tungkol sa "census" mula mismo sa mga field commanders ng PNP.

Ayon kay Lacson, bilang pangunahing sponsor sa Senado ng badyet ng NTF-ELCAC, hindi niya puwedeng ipagkibit-balikat na lamang ang ganitong impormasyon.

"The PNP’s denial should put a stop to the illegal data gathering activities on 30% of the country’s local population. As the Senate’s principal sponsor of the NTF-ELCAC budget, I cannot simply disregard a pattern of such reports coming from their own field commanders," ayon sa twitter post ni Lacson.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Nitong Biyernes, itinanggi ng PNP ang paggamit nang hindi tama sa pondo ng NTF-ELCAC, sa paggawa ng census sa iba't ibang barangay sa buong bansa.

Ikinatwiran pa ng PNP, nais lamang nilang maproteksyunan ang komunidad at kabataan laban sa pagre-recruit sa kanila ng New People' Army (NPA) at ng iba pang sindikato.

Leonel Abasola